Pag-unawa sa Nararamdaman ng mga Mag-aaral sa Panahon ng Pandemya

by - April 25, 2021

Photo courtesy of Priscilla Du Preez

Lahat tayo may kanya-kanyang kuwento. Bawat isa sa atin ay nagbi-behave depende sa kung anong klaseng sitwasyon meron tayo sa ating personal na buhay. Kaya sa tuwing may mga pagkakataon na hindi umaayon sa gusto nating ang mga nangyayari, bago tayo mag-respond, subukan nating i-access muna ang sitwasyon. Baka kasi may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay. Kaya pang-unawa ang hindi dapat tayo mawawalan, lalo na't mga guro tayo. Sa panahon ngayon, hindi kasi natin talaga masasabing we are all in the same boat. Oo, lahat tayo problemado dahil sa pandemya pero hindi tayo pare-pareho ng bigat ng pinagdaraanan. Kaya pang-unawa at balidasyon ng nararamdaman ang kailangan ng bawat isa. Hindi katanggap-tanggap na sabihing nakapag-adjust na tayo kasi hanggang ngayon, nag-aadjust pa rin tayo. What more ang mga bata? Hindi ba ang pangunahing katangian ng mga 21st century learner ay ang pagiging proactive? Pero iba kasi ang sitwasyon natin ngayon. Walang personal na pakikisalamuha ang mga bata sa bawat isa lalo na sa kanilang mga kaibigan at kamag-aral kaya hindi nila naipakikita sa atin ang pagiging proactive nila. Dumidepende rin kasi ang pagiging proactive nila sa mga taong nakakasama nila. At alam naman natin na sa edad gaya ng sa kanila, ng mga high school student, mas komportable sila sa mga kaibigan nila na ngayon ay hindi nila nakakasama. Kaya unawain natin sila. Kung ang iba sa atin sanay na kasama ang pamilya at kontento na ang laging kasama ay ang pamilya nila, para sa iba, torture 'yun kung ituring. Babalik tayo sa prinsipyong We do not belong to the same boat. Kaya again, pang-unawa ang kailangan. PANG-UNAWA.

You May Also Like

0 comments