Mga Gunita Mula sa Nakalipas

by - April 25, 2021


Habang nagpapaka-feeling tamad, hindi ko maiwasan maalala 'yung mga nangyari sa buhay ko sampung taon na ang nakalipas. Hindi ko talaga inaakalang darating pa ang araw na makawawala ako sa ganoong klaseng sitwasyon sa buhay ko.

Tatlo't kalahating taon akong naging lagalag. Pero sa mga panahong iyon, sobrang dami kong natutuhan. Binago rin ng karanasang iyon ang pananaw ko sa maraming aspekto ng buhay ko lalo na patungkol sa pagtingin ko sa kahalagahan ng edukasyon.

Doon ko napagtanto na hindi lang sa apat na sulok ng klasrum makukuha lahat ng mga aral na dapat matutuhan ng isang tao. May mga bagay na matututuhan natin sa pamamagitan ng patuloy na pagkilala sa mundong ginagalawan natin. Mga tamang gawi sa pakikisalamuha sa kapwa-tao lamang makukuha. Sa pamamagitan nito, nagiging buo ang pagkatuto ng isang tao, hindi lamang mula sa mga bagay na itinatakda ng mga aklat sa paaralan, kundi lalo't higit sa lahat, mula sa mga karanasan na napagdaraanan natin sa buhay.

You May Also Like

0 comments